Mga batang 10 taong gulang pwede nang lumabas sa MGCQ areas
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na pagaanin ang age-based restrictions sa mga lugar na nakasailalim na lang sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson harry Roque, simula February 1, 2021, pwede nang lumabas ng bahay ang mga edad 10 hanggang 65.
Mananatili namang bawal lumabas ang mga edad 1 hanggang 9 at edad 66 pataas.
“Any person below ten (10) years old and those who are over sixty-five (65) years of age shall be required to remain in their residence at all times,” ayon kay Roque.
Sa isinagawang pulong ng IATF, inaprubahan na din ang National Deployment and Vaccination Plan para sa COVID-19 na magsisilbing gabay ng vaccination implementers kabilang na ang mga LGU.
Inaprubahan din ang hiling ng Professional Regulation Commission na maisagawa na ang licensure examinations na naka-schedule ng January hanggang March 2021. (D. Cargullo)