Mga barangay sa Caloocan pinaglalagay ng designated trash bins para sa face maks, face shields at PPEs

Mga barangay sa Caloocan pinaglalagay ng designated trash bins para sa face maks, face shields at PPEs

Nanawagan si Caloocan City Councilor Orvince Howard A. Hernandez sa lahat ng barangay officials na paigtingin ang laban kontra COVID-19, hindi lamang sa pagpapatupad ng ‘quarantine protocols,’ kundi gayundin sa tamang pagtatapon ng basura.

Ani Hernandez, ang lahat ng barangay ngayon ay dapat magkaroon ng ‘designated common trash bins’ o sentralisadong basurahan na laan lamang sa mga gamit na face masks, face shields at iba pang personal protective equipment (PPEs).

“Make no mistake about it. The new normal does not mean COVID-19 is completely gone. That’s why as early as now, we should start setting up common trash containers or designate isolated areas in barangays solely for the disposal of used face masks, face, shield, and other PPEs,” ani Hernandez.

Aniya pa: “Kailangan magsiguro tayo na contained natin ang mga materyales na ito sa isang lalagyan o lugar dahil baka may virus pa ang mga ‘to kasi ‘di ba ang gamit ng face mask at face shield ay sanggahin ang virus para hindi pumasok sa ilong o bibig ng tao o dumikit sa mukha para hindi tamaan ng COVID-19?”

Nanawagan ang batang konsehal sa lahat ng residente sa Caloocan na makipagtulungan at suportahan ang layuning ito upang tuluyan nang masugpo ang pandemikong problema sa COVID-19, lalo’t inaantay pa ang bakuna laban sa nakamamatay na sakit.

Nauna nang nanawagan si Caloocan City Mayor Oca Malapitan hinggil sa tamang pagtatapon ng basura. Sabi ni Malapitan, dapat ay sinusunod ng lahat ang tamang ‘segregation scheme’ sa lahat ng kabahayan at barangay.

“Dapat may hiwalay na rin tayong basurahan para sa face mask, face shields at iba pang disposable PPE’s, hindi lang sa ating bahay kundi sa atin mismong barangay. Lalo ngayong tag-ulan, tiyak na magbabara ang mga gamit na face masks na ‘to sa kanal at ating drainage system kapag walang tamang tapunan ng basura para sa kanila,” said Hernandez.

Sinabi niya na kung magkakaroon ng hiwalay na basurahan para sa mga gamit na face mask, face shields at iba pang PPE’s makatutulong ito para maiwasan ang hawaan sa COVID-19.

Ipinatutupad din aniya ito sa lahat ng opisina, tanggapan, commercial, industrial at iba pang pampubliko o pribadong kompanya.

Si Hernandez ang presidente ng Sangguniang Kabataan Federation of Caloocan City at concurrent chairman ng Caloocan Youth Development Council.

Nanawagan konsehal sa mga kapwa kabataan na pamunuan ang pagpo-promote sa social media hinggil sa kahalagahan ng ‘segregation’ sa mga gamit na face masks, face shields at iba pang PPE’s.

Ipinaalala ni Hernandez ang nakasaad sa Republic Act No. 9003 na lalong kilala sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 para sa paghihiwalay ng mga basurang nabubulok, hindi nabubulok at iyong mga tinatawag na ‘hazardous waste.’

Nasusulat aniya sa Paragraph “d”, Section 2 ng Article 1 ng RA 9003: “Ensure proper segregation, collection, transport, storage, treatment and disposal of solid waste through the formulation and adoption of the best environmental practice in ecological management excluding incineration.”

“One hard lesson that should be learned from this pandemic is that walang superman dito na mag-isang gagawa ng paraan. Ang kailangan dito ay super friends, meaning, tayong lahat ay dapat magkakasama para sa kaligtasan,” dagdag pa ng konsehal.

Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH

Like us on Facebook https://www.facebook.com/newsflashwebsite/

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *