Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin ngayong araw – PAGASA
Makararanas ng pag-ulan ngayong araw sa Metro Manila at mga kalapit pang bansa.
Sa inilabas na weather forecast ng PAGASA, maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at sa Western Visayas.
Ito ay dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 8:45 ng umaga, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na ang nararanasan sa Metro Manila at Bulacan.
Nakararanas din ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Rizal, Batangas, Cavite, at Laguna.
Maulap na papawirin din na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley at sa lalawigan ng Aurora dahil naman sa Northeasterly Surface Windflow.
Habang localized thunderstorms ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)