Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin dahil sa LPA
Patuloy na makararanas ng pag-uan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa Low Pressure Area.
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 45 km East Northeast ng Daet, Camarines Norte.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 2:00 ng hapon, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Batangas sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay ng panahon na rin ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon, at Pampanga.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Ang mga nakatira naman sa bulubunduking lugar ay pinag-iingat sa posibleng landslide.