Metro Manila, mga kalapit na lalawigan nakararanas ng malakas na pag-ulan
Heavy hanggang intense na pag-ulan ang nararanasan sa Metro Manila at ilang mga kalapit nitong lalawigan.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA ala 1:19 ng hapon ngayong Lunes, Sept. 14, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija, Pampanga, Cavite, Quezon, Tarlac, at Bataan.
Malakas hanggang sa matinding buhos ng ulan naman ang nararanasan na sa Quezon City, Malabon, Navotas, Valenzuela, Maynila, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati at Marikina; gayundin sa San Jose Del Monte, Santa Maria at Marilao sa Bulacan; Cuenca, San Jose, Batangas City, San Pascual, Alitagtag, Bauan, at San Luis sa Batangas; Cainta at Antipolo sa Rizal; at sa Masinloc, Zambales.
Payo ng PAGASA sa mga apektadong residente ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha o landslide. (BDC)