Metro Manila flood management project progress, tinalakay ng MMDA, World Bank officials

Metro Manila flood management project progress, tinalakay ng MMDA, World Bank officials

Nagsagawa ng pulong at site inspections ang mga opisyal at project proponents ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) kasama ang mga kinatawan ng World Bank (WB) at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) para alamin ang estado at mga pagbabago sa mga aktibidad ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project (MMFMP).

Sa idinaos na 8th Implementation Support Mission (ISM), nirebyu ang development objective ng proyekto kabilang na ang detalyadong pag-aaral sa pangkalahatang progreso ng proyekto,mungkahing implementasyon ng mga plabo para sa natitirang phases ng proyekto at ang posibilidad para sa loan restructuring.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes na ang ahensya ay nangangako sa lalong pagpapalakas ng kanilang mga hakbang at inisyatibo upang maging mas matatag sa baha ang Metro Manila lalo na sa tumitinding mga epekto ng climate change.

“As we move forward, the MMDA has high hopes for project extension for us to successfully alleviate flood management issues in Metro Manila through the MMFMP’s structural and non-structural interventions, as well as the active participation and commitment of all stakeholders,” ani Artes sa kasagsagan ng wrap-up meeting ngayong araw ng Nobyembre 4.

Noong nakaraang buwan nagsagawa ng site inspection ang MMDA at DPWH kasama ang mga opisyal ng World Bank, sa Solid Waste Granulator (SWG) at Brick Making Facility na matatagpuan sa Vitas Pumping Station sa Tondo, Manila.ang nasabing mga pasilidad na ginagawa ang mga basura sa by-products gaya ng eco-bricks, eco-hollow blocks, eco-concrete barriers, at bio-waste compost materials.

Ang WB at AIIB, ang siyang nagpopondo para sa MMFMP,na kumikilala sa progresong ginagawa ng MMDA sa inisyatibong mga aktibidad na proyekto ng ahensya:

– Increased diversion rate of the SWG to 8% from 5% compared to the midterm review conducted last March
– Wider reach of the mobile materials recovery facility from 10 to 42 barangays thus collecting 97,000 kilograms of waste from last March’s 8,000 kg.
– Distribution of composting facilities to 32 barangays from three barangays last March

Kabilang din sa mga isinasagawang inisyatibo ay ang water hyacinth processing plant sa Rizal na malapit nang makumpleto habang nailagay na ang pilot pyrolysis equipment sa Vitas Pumping Station; at ang instalasyon ng mga trash trap sa piling mga daanan ng tubig.

Nakumpleto na rin ng MMDA ang 25-year Solid Waste Management master plan na layuning mabawasan ang pangamba at matatag laban sa baha ang Metro Manila.

Ang MMDA ang nangangasiwa sa implementasyon ng MMFMP’s Component 2 (Minimizing Solid Waste in Waterways) na layung ayusin ang solid waste management sa mga barangay na nakapalibot sa mga pumping station na malaking tulong sa pagpapanatili ng paggana ng mga ito at ng Component 4 (Project Management and Coordination). (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *