Medical sector, mall owners kokonsultahin ni Mayor Isko Moreno kaugnay sa muling pagbubukas ng mga sinehan

Medical sector, mall owners kokonsultahin ni Mayor Isko Moreno kaugnay sa muling pagbubukas ng mga sinehan

Kokonsultahin muna ni Manila Mayor Isko Moreno ang medical sector patungkol sa muling pagbubukas ng mga sinehan.

Kasunod ito ng pagpayag na ng Inter Agency Task Force na magkaroon ng limitadong operasyon ang mga sinehan, arcades, theme parks, at museums sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ).

Sinabi ni Moreno na maliban sa medical sector ay makikipag-usap din muna siya sa pamunuan ng mga mall.

Kailangan muna aniyang malaman kung ano ang magiging epekto nito.

“Kailangan na makonsulta namin ‘yung aming mga medical frontliners lalo na ang MHD: Ano bang epekto? May technical study na ba talaga?” ayon sa alkalde.

Aalamin din aniya kung ano ang mga ipatutupad na precautionary measures sa loob ng mga sinehan sakaling payagan silang magbukas.

Bagaman nais aniya ng pamahalaang lungsod na maibalik na sa normal ang mga negosyo kailangan muna itong pag-aralang mabuti at kailangang matiyak ang kahandaan ng mga sinehan at malls.

Enclosed area ang mga sinehan ayon sa alkalde at mananatili doon ng 1 oras o higit pa ang mga taong papasok.

Tiniyak naman ni Moreno na ginagawa ng pamahalaang lungsod ang lahat upang maibalik ang hanap buhay ng mga tao at muling maging normal ang kanilang pamumuhay.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *