Mayor Sara dapat mag-focus muna sa Davao COVID-19 cases kaysa eleksyon – Akbayan

Mayor Sara dapat mag-focus muna sa Davao COVID-19 cases kaysa eleksyon – Akbayan

Itinuring na “unnecessary” ng grupong Akbayan ang pag-iingay sa ngayon ng mga partidong PDP-Laban, Hugpong ng Pagbabago at ni Davao City Mayor ukol sa posibilidad ng pagtakbo nito sa May 2022 elections, sa halip na pamumulitika umapela ang grupo na tutukan muna ang Covid cases sa Davao City.

Ayon kay Dr. RJ Naguit, spokesperson ng Akbayan hindi maihihiwalay ang pulitika sa nagaganap na pandemic ngunit ang hinihintay umano ng tao ay yung makakatulong sa kanila sa kasalukuyan at hindi ang pag uusap sa kung anong posisyon o partido tatakbo para sa 2022 elections.

Ani Naguit ang nangyayaring pag-iingay para sa Duterte-Duterte tandem sa 2022 elections ay “show of power” lamang na tila pagpapakita na kaanib nila ang supermajority, aniya, kung ang ganitong power ay ilaan sa pagresolba sa mga naging kahinaan sa pagtugon sa COVID 19 cases ay mas ikatutuwa ng taumbayan.

“Alam naman natin yung failures ng administration sa nararanasang health crisis, sana ito muna ang kanilang pinag-uusapan at solusyunan, oo nga at malapit na ang filing ng certificate of candidacy ilan buwan na lamang pero may mas higit pang importante kaya sa eleksyon at ito yung paglobo pa din ng COVID cases and vaccine issues” giit ni Naguit.

Patutsada ng Akbayan kay Mayor Sara, sa halip na election issue ay kailangan magfocus muna ito sa pagpapababa ng COVID 19 cases sa Davao City.

“Sa amin lang kung gusto nyang mag-aspire ng higher office she should show first how she handles local issues,” dagdag pa ni Naguit.

Sa pinakahuling OCTA Research List na may petsang July 12 ay nangunguna pa rin ang Davao City sa mga Local Government Units sa labas ng National Capital Region na may pinakamataas na COVID cases, lumitaw na 235 kada araw ang naitatalang kaso sa Davao habang umabot na sa 91% ang hospital Intensive care unit utilization rate.

Kumpara sa Davao ay pababa na ang kaso sa ilang lalawigan, batay sa talaan ng Department of Health at OCTA Research ay nasa 110 ang kaso sa Iloilo, Bacolod(84), Cebu City(81), Cagayan de Oro(68), General Santos(67), Baguio City(58) Tagum(44), Lapu Lapu(39) at NCR (639).

Simula buwan ng Mayo lumobo ang COVID cases sa Davao at noong Hunyo 17 naitala ang pinakamalaking COVID infection na nasa 482.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *