Mayor ng Ilagan, Isabela positibo sa COVID-19; buong Ilagan sasailalim sa ECQ

Mayor ng Ilagan, Isabela positibo sa COVID-19; buong Ilagan sasailalim sa ECQ

Nagpasa ng Executive Order No. 54 si Ilagan, Mayor Josemarie L. Diaz na nagpapairal ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Lungsod ng Ilagan simula ngayong araw, Ika-6 ng Agosto hanggang sa ika-12 ng buwang kasalukuyan.

Ito ay dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kasabay nito, kinumpirma ni Ilagan City Information Officer Paul Cabacungan na nagpositibo din sa COVID-19 si Mayor Diaz.

Aniya, isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ni Mayor Diaz, mula sa kanyang mga kapamilya, kasambahay at mga nakasalamuha nito sa City Hall ng Ilagan.

Maayos naman ang kondisyon ng alkalde at nakasailalim na sa isolation.

Dagdag pa ni Cabacungan na maging ang buong City Hall ng Ilagan ay sasailaman sa lockdown at magsasagawa ng disinfection.

Masusi ring nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Panlungsod sa lahat ng maaapektuhan ng ECQ, tulad ng mga negosyante, establisimyento at mga opisina ng trabaho mapa pribado o gobyerno.

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *