Maynila may libreng mass swab testing para sa mga market vendor, mall employees, tricycle at pedicab drivers
Magkakasa ng libreng mass swab testing ang Manila City Government para sa maraming trabahador sa lungsod.
Ayon sa anunsyo ng Manila Public Information Office, target ng libreng mass testing ang mga nagtitinda sa palengke, mall employees, hotel staffers, restaurant workers, e-trike drivers, pedicab drivers, tricycle drivers, jeepney drivers at bus drivers sa lungsod.
Batay ito sa utos ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Kahapon ay binuksan ang ikalawang COVID-19 laboratory sa Ospital ng Sta. Ana.
Kayang makapag-proseso ng naturang laboratoryo ng 1,000 swab samples kada araw.