May lotto draw na simula ngayong araw sa GCQ at MGCQ areas ayon sa PCSO
Simula ngayong araw ng Biyernes (Aug. 7) ay papayagan na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbebenta ng lotto tickets at lotto draw sa mga lugar na mababa na ang banta ng COVID-19.
Batay sa inilabas na abiso ng PCSO, may bentahan na ng ticket ng lotto sa mga lugar na nasa ilalim na lang ng general community quarantine at modified general community quarantine.
Kabilang sa papayagan nang ibenta ang lotto tickets para sa 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto 6/58.
Magsisimula ang selling period alas 7:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi na susundan ng draw alas 9:00 ng gabi.
Ngayong araw ang jackpot para sa Ultra Lotto ay umaabot sa P305 million.
Samantala, hindi pa naman pinapayagan ng PCSO na mag-resume ang operasyon ng Small Town Lottery Games.