‘May Forever sa Caloocan’ blog making contest inilunsad para mga senior citizen couples
Inilunsad ni Konsehal Orvince Howard “ConVINCEd” A. Hernandez ang isang patimpalak na nagbibigay ng parangal sa mga nabubuhay na mag-asawang senior citizen sa Caloocan City na nagsasama na ng apat na dekada at “going strong” pa rin.
Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-asawang senior citizen na residente ng lungsod at maligaya pa ring nabubuhay na magkasama sa loob na ng 40 taon o higit pa.
“Let’s celebrate this year’s Valentine’s Day by honoring our lolo and lola or nana yand tatay whose faithfulness to each other has stood the test of time through the years. Through this contest, let’s make them feel that we dearly love them. Let’s make the people know that here in Caloocan City, we are extremely proud of our senior citizens,” ani Hernandez, presidente ng Sanggunian Kabataan Federation ng Caloocan City.
Upang makasali sa contest, sinumang apo o anak ay dapat isulat ang kuwento ng kanilang lolo at lola o magulang at ipadala sa VINCE HERNANDEZ FB Page o i-email sa office.vincehernandez@gmail.com.
“Ikuwento n’yo ‘yung mga ‘kilig’ moment ng love story nila, kung paano sila nagkakilala at nagligawan, tampuhan at suyuan, ilan ang naging anak at apo nila, how they overcame challenges and all that. In other words, their love and life story as husband and wife,” sabi nito.
Mula sa mga entry, pipili si Hernandez ng limang mananalo at pararangalan sila ng mga plaque at premyong cash.
“Bukod dito, iti-treat ko, ako ang taya, ng isang munting salu-salo with matching roses para kay Lola sa darating na Valentine’s Day ngayong Pebrero 14. Ang salu-salong mangyayari ay sa mismong bahay po nila gagawin para kapiling din nina Lolo at Lola ang kanilang buong pamilya. Kahit pandemic, tuloy po ang V Day sa ating mga tahanan. lalo na ang mga lolo,” ayon sa konsehal. (D. Cargullo)