May 13 idineklarang Regular Holiday ni Pangulong Duterte bilang paggunita sa Eid’l Fitr
Idineklarang regular holiday ng Malakanyang ang May 13, 2021.
Sa bisa ng Proclamation No. 1142 ni Pangulong Rodrigo Duterte, gugunitain sa nasabing petsa ang Eid’l Fitr o Feast of Ramadhan.
Layon ng deklarasyon na mabigyang pagkakataon ang sambayanan na makiisa sa mga Muslim sa kanilang paggunita sa Eid’l Fitr.
Nakasaad sa proklamasyon na ang obserbasyon at selebrasyon ay kailangang isagawa nang nakasusunod sa umiiral na community quarantine.