Maximum passenger capacity sa MRT, LRT at PNR itinaas na
Simula ngayong araw, Oct. 19 mas madaragdagan pa ang pasaherong ia-accommodate sa MRT, LRT at PNR.
Ito ay matapos ipag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang unti-unting pagpapataas sa maximum passenger capacity ng mga tren.
Dahil dito inaasahang mas maraming pasahero ang makasasakay sa mga tren.
Mula sa 13 to 18 percent, simula ngayong araw, itataas na sa 30 percent ang maximum passenger capacities sa MRT, LRT-1, LRT-2 at PNR.
Dahil dito, mula sa kasalukuyang 153 na pasahero kada tren sa MRT-3 ay tataas na ito sa 372 na pasahero.
Sa LRT-1 naman, ay makapagsasakay na ng 370 na pasahero kada train set habang ang LRT-2 ay aabot na sa 486 ang pasahero kada train set.