Matatapos na sa Setyembre 2021 ang konstruksyon ng Binondo Intramuros Bridge
Makukumpleto na sa Setyembre ng kasalukuyang taon ang konstruksyon ng Binondo Intramuros Bridge.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, 50 percent nang kumpleto ang tulay at matatapos sa susunod na pitong buwan.
Nagsagawa ng inspeksyon si Villar sa nasabing tulay, araw ng Huwebes (February 4, 2021) kasama sina Chinese Ambassador Huang Xilian, DPWH Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations Emil K. Sadain, at Project Director Virgilio C. Castillo ng DPWH UPMO Roads Management Cluster 1.
Sa sandaling makumpleto, inaasahang pakikinabangan ito ng 30,000 sasakyan kada araw at makababawas ng traffic sa Binondo at Intramuros.
Ang Binondo-Intramuros Bridge ay mayroong apat na linya at total length na 680 lineal meter.