Walong kapitan ng barangay ipinagharap ng reklamo ng DILG dahil sa mga nangyaring mass gathering

Walong kapitan ng barangay ipinagharap ng reklamo ng DILG dahil sa mga nangyaring mass gathering

Ipinagharap ng reklamo ng Department of Interior and Local Government ang walong kapitan ng barangay dahil sa insidente ng mass gathering sa kani-kanilang nasasakupan.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na papanagutin ang mga lider ng barangay na magpapabaya sa kanilang tungkulin at hahayaan ang pagkakaroon ng paglabag sa quarantine protocols.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang walong kapitan ng barangay ay ipinagharap ng mga kasong gross neglect of duty, negligence, serious misconduct, at paglabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Kinilala ang mga kapitan na sinampahan ng reklamo sina Romeo Rivera ng Barangay 171, District II, Caloocan City; Ernan Perez ng Barangay San Jose, Navotas City; Facipico Jeronimo at Jaime Laurente ng Barangays 181 at 182 ng Gagalangin, Tondo, Manila; Marcial Lucas Palad ng Barangay Matiktik, Norzagaray, Bulacan; Jason Talipan at Jimmy Solano ng Barangay Balabag, Boracay Island at Barangay Sambiray, Malay, Aklan; at, Jessica Cadungong ng Barangay Kamputhaw, Cebu City.

Sinabi ni Año na nagpabaya sa kanilang tungkulin ang nasabing mga kapitan para sa pagpapatupad ng quarantine protocols.

Binanggit ng DILG ang in super spreader event sa Gubat sa Ciudad sa Barangay 171, Caloocan City; recreational at resort operations sa San Jose, Navotas City; boxing matches sa Barangay 181 at 182 sa Tondo; at Bakas River event sa Barangay Matiktik, Norzagaray, Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon ng DILG at PNP, may mga kaso ng COVID-19 na naitala mula sa mga iligal na aktibidad na naganap.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *