Mas maluwag na GCQ iiral sa NCR at Bulacan; GCQ with heightened restrictions mananatili sa Rizal
Mananatili ang National Capital Region (NCR) Plus na binubuo ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna sa ilalim ng General Community Quarantine (QCQ) simula bukas, June 16 hanggang June 30.
Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang “talk to the people,” kagabi.
Sinabi ng pangulo na ang Metro Manila at Bulacan ay isasailalim sa GCQ with “some restrictions” habang ang Rizal, Laguna, at Cavite ay isasailalim sa GCQ with “heightened restrictions.”
Una nang isinailalim ang NCR Plus sa GCQ “with restrictions” hanggang ngayong araw, June 15.
Samantala, isinailalim din sa GCQ hanggang katapusan ng Hunyo ang Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Quezon, Iligan City, Davao del Norte, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Lanao del Sur at Cotabato City.
Mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) naman ang ipatutupad sa Santiago City, Cagayan, Apayao, Ifugao, Lucena City, Bataan, Puerto Princesa, Naga City, Iloilo City, Iloilo, Negros Oriental, Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Del Norte, Cagayan De Oro City, Davao City, Butuan City, Agusan Del Sur at Dinagat Islands.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay sasailalim naman sa pinakamaluwag na modified GCQ. (Infinite Radio Calbayog)