Mas mahigpit na health protocols sa ilalim ng pag-iral ng MGCQ ipatutupad sa Bacoor, Cavite

Mas mahigpit na health protocols sa ilalim ng pag-iral ng MGCQ ipatutupad sa Bacoor, Cavite

Dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, magpapatupad ng mas mahigpit na health protocols sa Bacoor City, Cavite sa ilalim ng pag-iral ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ito ay makaraang lagdaan ni Bacoor City Mayor Lani Revilla ang EO No. 06-2021.

Sa ilalim ng EO, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod na alituntunin sa lungsod:

1. Mahigpit na pagpapatupad ng Curfew (10PM to 4AM).
2. Bawal lumabas ng bahay ay may edad 15 years old and below at 65 years old and above.
3. Ang pag-inom ng alak ay pinahihintulutan sa loob lamang ng inyong mga bahay. Ang pagbili o pagbenta ng anumang klase ng alak ay pinagbabawal sa panahon ng curfew.
4. Ang mga business establishments ay kinakailangan nang magsara sa ganap na alas-9 ng gabi.
5. Mandatory ang pagsusuot nang maayos ng face masks at face shields sa mga pampublikong lugar at transportasyon.
6. Agapan ang pag-isolate sa mga Covid19 patients na naka-home quarantine upang maiwasan ang hawaan sa loob ng mga tahanan.

Paalala ni Revilla sa mga residente, kung may sintomas na nararamdaman na may kaugnayan sa COVIUD-19, agad na ipagbigay alam sa mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) o HOA HERT.

Maaari ding tumawag sa Alert 161.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *