Mas kaunting basura nahakot ngayong taon sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno
Mas kakaunti ang mga basura na nahakot sa selebrasyon ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno ngayong 2021, kumpara noong mga nakalipas na taon.
Sa inilabas na Traslacion 2021 report ng Manila Department of Public Services, 42 mga truck ang nanghakot ng 110 metric tons ng mga basura mula Jan. 8 hanggang 10, 2021.
Noong Traslacion 2019, umabot sa 99 trucks o higit 387 metric tons na mga basura ang nahakot habang 68 trucks naman o higit 330 metric tons ng mga basura noong Traslacion 2020.
Ayon sa Manila DPS, kakaunti ang mga basura na nakulekta sa Kapistahan ngayong taon dahil walang aktwal na Traslacion.
Mas maliit lang din ang bilang ng mga debotong nagtungo sa Quiapo Church.