Marikina at Antipolo stations ng LRT-2 magiging operational na sa April 26

Marikina at Antipolo stations ng LRT-2 magiging operational na sa April 26

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na bubuksan na partially ang LRT-2 extension project.

Sa suhestyon ni DOTr Secretary Arthur Tugade na sinang-ayunan nina LRTA Administrator Reynaldo Berroya, D.M. Consunji Inc.(DMCI) President at COO Jorge Consunji, Marubeni President at CEO Shigeru Shimoda at JICA Senior Representative Kiyo Kawabuchi, sa nasabing petsa ay gagawin nang operational ang LRT-2 Marikina at Antipolo stations.

Ang dalawang bagong istasyon ay makatutulong sa mga commuter mula Recto, Manila at patungo ng Masinag, Antipolo at pabalik.

Sa sandaling makumpleto, ang LRT-2 East Extension ay kayang makapagsakay ng 80,000 pasahero kada araw.

Samantala, sa unang quarter ng kasalukuyang taon ay inaasahang maibabalik na ang operasyon ng Santolan, Katipunan at Anonas stations na naapektuhan ng naganap na sunog sa power rectifiers. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *