Maraming lansangan sa Metro Manila, binaha
Dahil sa walang humpay na pag-ulan simula pa Lunes ng gabi, maraming mga lugar sa Metro Manila ang nakararanas ng pagbaha.
Sa Maynila, binaha ang bahagi ng Taft Avenue.
Ang mga nakapila para sa vaccination sa San Andres, nagtiis sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan at nalubog na rin sa baha ang kanilang binti habang nakapila.
May mga barangay din sa Mandaluyong City ang binaha.
Ang Light rail Manila Corporation, naglabas din ng abiso sa mga istasyon ng LRT-1 na nakaranas ng pagbaha.
Inulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa Luzon dahil sa Habagat.