Maraming lalawigan sa Mindanao nakararanas ng pag-ulan dahil sa LPA at ITCZ

Maraming lalawigan sa Mindanao nakararanas ng pag-ulan dahil sa LPA at ITCZ

Inuulan ang maraming mga lalawigan sa Mindanao dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 1100 ng umaga ngayong January 18, yellow warning level na ang umiiral sa sumusunod na mga lalawigan:

– Surigao del Sur (Barobo, Tagbina, Hinatuan, Bislig City, Lingig)
– Agusan del Sur (San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento, Santa Josefa)
– Davao Oriental
– Davao de Oro
– Davao del Norte
– Davao City
– Davao del Sur
– Davao Occidental
– Zamboanga del Norte (Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Katipunan, Dipolog City, Polanco, PiƱan, Mutia, La Libertad, Siocon, Sirawai, Sibuco)
– Zamboanga Sibugay (Tungawan)
– Zamboanga City
– Sarangani
– South Cotabato (General Santos City, Polomolok)

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking lugar dahil sa nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan.

Pinayuhan ang publiko at ang local disaster risk reduction and management council na imoitor ang lagay ng panahon at ang susunod na abiso ng PAGASA. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *