Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 631 pa
Nadagdagan ng 631 pa ang kaso ng COVID-19 sa Maynila.
Sa datos mula sa Manila Health Department, hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Linggo – March 21, ay 2,656 na ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Umabot na sa 33,844 ang total confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Habang 30,336 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling na makaraang makapagtala pa ng dagdag na 369 recoveries.
Nakapagtala naman ng 4 pang nasawi kaya 852 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19.
Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Tondo 1 na umabot sa 402 cases.