Manila Prince Hotel magsisilbing vaccination site sa lungsod ng Maynila

Manila Prince Hotel magsisilbing vaccination site sa lungsod ng Maynila

Ininspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno kasama si Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold Pangan ang Manila Prince Hotel na magsisilbing dagdag na vaccination site sa lungsod.

Ang Manila Prince Hotel ay nasa bahagi ng San Marcelino Street sa Ermita, Manila at magiging ika-19 na vaccination site sa lungsod.

Maliban sa 18 pang vaccination sites sa Maynila, ang City Government ay patuloy din sa pagsasagawa ng home service vaccinations para sa mga mamamayan nitong bedridden na.

Ani Moreno, sa sandaling dumating ang 800,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa pharmaceutical company AstraZeneca na binili ng pamahalaang lungsod ay mas mapapabilis pa ang pagbabakuna sa kanilang mga residente.

Magugunitang noong Pebrero ay inaprubahan ni Moreno ang pagre-release ng P38.4 million bilang 20% advance payment para sa AstraZeneca vaccines.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *