Manila Mayor Isko Moreno unang magpapaturok ng bakuna kontra COVID-19

Manila Mayor Isko Moreno unang magpapaturok ng bakuna kontra COVID-19

Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na mauuna siyang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ng alkalde na layon nitong maipakita sa publiko na seryoso ang gobyerno sa pag-roll out ng COVID-19 vaccine.

Maari din aniyang maging panatag ang publiko sa sandaling makita na mauunang magpaturok ng bakuna ang mga lider sa pamahalaan.

“Para maipakita naming mga taong gobyerno na seryoso kami sa bakuna, ituturok muna namin sa sarili namin ang bakuna, mapanatag lang ang inyong kalooban kapag nakita niyong itinurok na,” ayon kay Moreno.

Magugunitang marami pa ring may pangamba sa bakuna dahil sa kontrobersiyang idinulot ng Dengvaxia vaccine noon.

Sinabi ni Moreno na kailangang tugunan ng pamahalaan ang pangamba ng mga tao sa pagpapabakuna at maging ehemplo para magkaroon ng kumpiyansa ang publiko sa COVID-19 vaccine.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *