Manila City Government nakapagturok na ng isang milyong bakuna
Umabot na sa isang milyong bakuna kontra COVID-19 ang naiturok ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ayon sa datos, umabot na sa isang milyon ang nai-administer na bakuna ng Manila City government mula nang umpisahan ang vaccination rollouts.
Hanggang alas 9:04 ng umaga ngayong Lunes, (July 19) 1,000,021 vaccines na ang naiturok sa mga residente ng lungsod.