Manila Cathedral inialok bilang vaccination site sa Maynila

Manila Cathedral inialok bilang vaccination site sa Maynila

Inialok ni Manila Archdiocese apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo ang Manila Cathedral bilang vaccination site ng pamahalaang lungsod.

Nagpulong sina Bishop Pabillo, Manila Isko Moreno, at Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan sa Pope Francis Hall ng Manila Cathedral.

Bilang pagsuporta sa COVID-19 vaccination plan ng LGU ay inialok ni Pabillo na ipagamit ang Manila Cathedral bilang vaccination site.

Ayon kay Pabillo pwedeng gamitin ang Manila Cathedral mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon tuwing weekdays.

Nagpasalamat naman si Moreno sa obispo.

“We thank Bishop Pabillo and the leaders of the Church for offering us the cathedral as a vaccination site. Napakahalaga nito because we need inoculation spaces,” ayon kay Moreno.

Mas mainam aniya na maraming opsyon ang pamahalaang lungsod para sa vaccination program nito.

Tiniyak ng alkalde na sa sandaling dumating ang mga bakuna ay isasagawa ang pagbabakuna sa mga medical frontliners sa loob ng tatlong araw.

Ang iba pang prayoridad sa bakuna ay ang mga senior citizen kabilang ang mga vulnerable sectors na bahagi ng informal settler families (ISFs).

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *