Mandatory na pagsusuot ng bike helmet sa QC epektibo na simula ngayong araw
Simula na ngayong araw ang pag-iral ng ordinansa sa Quezon City na nag-aatas ng mandatory na pagsusuot ng bike helmet.
Sa ilalim ng City Ordinance No. SP-2942 o Mandatory Wearing of Bike Helmet, ang mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P300 para sa 1st offense, P500 sa second offense at P1,000 sa third offense.
Bago ang pag-iral ngayong araw ng ordinansa ay namahagi ng libreng helmet ang lokal na pamahalaan para sa mga biker sa lungsod.
Nagbigay din ang QC LGU ng libreng bike helmets sa Valenciana Riders Club upang maipamahagi sa kanilang mga miyembro.