Mandaluyong City LGU naglaan ng P200M na pondo para sa COVID-19 vaccine
Naglaan din ng P200 million ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong para sa COVID-19 Vaccine.
Pinulong ni Mayor Menchie Abalos ngayong araw ang binuong komite na kanyang itinalaga para pangasiwaan ang kukuning COVID-19 vaccine at masiguro na may sapat na bakuna para sa lahat ng mamamayan sa lungsod.
Binilinan din ng alkalde ang COVID-19 cluster committee members na siguruhin ang maayos na sistema sa pagbabakuna. (D. Cargullo)