Manay, Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.6 na lindol
Tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa bayan ng Manay sa lalawigan ng Davao Oriental.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 81 kilometers southeast ng bayanng Manay alas 11:12 ng umaga ng Linggo, July 26.
Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim itong 59 kilometers.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – Manay, Davao Oriental
Intensity II – Davao City
Instrumental Intensities:
Intensity III – Malungon, Sarangani
Intensity II – Alabel, and Kiamba, Sarangani
Intensity I – General Santos City; Koronadal City, and Tupi, South Cotabato
Sinabi ng Phivolcs na posibleng magdulot ng pinsala ang lindol.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. /dvd