Malawakang pagbabakuna idaraos sa Metro Manila

Malawakang pagbabakuna idaraos sa Metro Manila

Magdaraos ng malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Metro Manila.

Ayon sa Metro Manila Center for Health Development, ang vaccination program na may temang “Jab Fair sa NCR,” ay gagawin sa March 10 hanggang 12, 2022.

Inaanyayahan ang lahat ng mga hindi pa bakunado na magpaturok na ng bakuna kontra COVID-19.

Sa mga susunod na araw ay iaanunsyo ng Metro Manila Center for Health Development kung saan saan idaraos ang pagbabakuna.

Para mas mahikayat ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19 ay pinalawig pa ng pamahalaan ang bakunahan.

Sa Metro Manila, ginagamit na din ang mga istasyon sa LRT-1 at LRT-2 upang ang mga pasaherong hindi pa nakatatanggap ng 1st dose o booster ay maaring magpabakuna. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *