Malasakit Center binuksan sa Ynares Hospital sa Rodriguez, Rizal

Malasakit Center binuksan sa Ynares Hospital sa Rodriguez, Rizal

Mayroon nang Malasakit Center sa Casimiro A. Ynares Sr. Memorial Hospital (RPHS – Montalban Annex) sa bayan ng Rodriguez sa Rizal.

Ito ang kauna-unahang Malasakit Center sa naturang bayan.

Dinaluhan ni Senator Bong Go, Rizal Gov. Nini Ynares, Cong. Fidel Nograles, Rodriguez Mayor Tom Hernandez at iba pang mga opisyal ang pagbubukas ng Malasakit Center

Ayon kay Senator Bong Go, sa pamamagitan ng Malasakit center, hindi na magiging pahirapan ang paghingi ng tulong sa mga ahensya ng gobyerno.

Sa loob kasi ng ospital ay naroroon ang Malasakit Center na magsisilbing One Stop Shop sa mga ahensya ng gobyerno na maaring malapitan ng mga pasyente at kanilang kaanak.

“Sa Malasakit Center, hindi na pahirapan ang pagkuha ng tulong pampagamot mula sa gobyerno. Iisang kwarto nalang sa loob mismo ng ospital. Hindi niyo na kailangan pumila o mag-ikot sa iba’t ibang opisina. Ang mga ahensya na ang nandyan sa probinsya ninyo,” – ayon kay Go.

Sa Malasakit Center, may mga kinatawan na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Department of Health (DOH).

Kasama sa ibinibigay na serbisyo ay sa mga gastusin ng pasyente, laboratoryo, at mga gamot. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *