Malaking bahagi ng Visayas inuulan dahil sa Shear Line; red warning level nakataas sa Eastern Samar, Samar at Leyte
Nakararanas ng pag-ulan sa maraming lugar sa Visayas dahil sa epekto ng Shear Line.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, Dec. 9, nakataas na ang red warning level sa buong Eastern Samar, Samar at Leyte.
Orange warning level naman ang nakataas sa Biliran at Northern Cebu.
Habang yellow warning ang nakataas sa Central Cebu at Southern Leyte.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, maulap na papawirin na may kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan ang mararanasan sa Eastern Visayas, Surigao del Norte, Dinagat Islands, at sa northern portions ng Cebu at Negros Occidental.
Maulap na papawirin din na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan ngayong araw sa Eastern Visayas, Surigao del Norte, Dinagat Islands, at northern portions ng Cebu at Negros Occidental.
Magiging maganda naman ang lagay ng panahon sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng Luzon na apektado lamang ng Amihan. (DDC)