Malaking bahagi ng bansa uulanin ngayong araw dahil sa dalawang LPA

Malaking bahagi ng bansa uulanin ngayong araw dahil sa dalawang LPA

Magiging maulan ang maghapon sa malaking bahagi ng bansa dahil sa dalawang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.

Ang isang LPA ay huling namataan sa layong 95 km East ng Catarman, Northern Samar.

Ang isa pang LPA ay huling namataan sa layong 55 km West Southwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Maliban sa LPA, nananatiling apektado ng Northeast Monsoon ang Northern Luzon.

Sa magiging lagay ng pnaahon ngayong araw, Dec. 27 ang Metro Manila, Aurora, Bulacan, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Caraga at Visayas ay nakararanas ng maulap na papawirin a may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.

Maulan din ang panahon sa Cagayan Valley, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region dahil sa amihan.

Bahagyang maulap na papawirin naman anv mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng bansa dulot ng localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *