Malaking bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila makararanas ng pag-ulan dahil sa LPA

Malaking bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila makararanas ng pag-ulan dahil sa LPA

Makararanas ng pag-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila dahil sa Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 20 kilometers Northeast ng Romblon, Romblon.

Samantala, apektado pa din ng Tail-end of Frontal System (Shear line) ang eastern section ng Central Luzon at amihan naman ang umiiral sa Northern Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ay makararanas ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan ang Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes dahil sa LPA at Tail-end of Frontal System.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng maulap na papawirin namay kalat-kalat na pag-ulan dahil din sa LPA at Tail-end of Frontal System.

Sa Central at Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga maulap na papawirin din ang mararanasan dahil sa LPA.

Sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *