Malakanyang tiniyak ang kahandaan ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtama ng Typhoon Rolly
Pinag-iingat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko dahil sa nakaambang pagtama ng Typhoon Rolly sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 24/7 nang naka-standby ang mga concerned disaster agency.
Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operations Center ay nasa Red Alert Status na at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng regional disaster risk reduction and management councils at local government units sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Kasama sa mga mahigpit na tinututukan ang mga lugar na prone sa baha, landslide, storm surge at lahar flow.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroong stockpiles at standby funds na nagkakahalaga ng mahigit P879 million.