Malakanyang kumpiyansang makakamit ng bansa ang target na herd immunity sa susunod na taon

Malakanyang kumpiyansang makakamit ng bansa ang target na herd immunity sa susunod na taon

Patutunayan ng pamahalaan na mali ang nilalaman ng ulat ng isang think-tank na United Kingdom-based Pantheon Macroeconomics na hindi makakamit ng Pilipinas ang herd immunity sa COVID-19 sa susunod na taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, posibleng ang pinagbasehan ng UK think-tank ay ang takbo ng pagbabakuna ng bansa noong mga nakaraang buwan na tanging Sinovac at kaunting AstraZeneca pa lang ang available na bakuna sa bansa.

Sa ngayon ayon kay Roque ay mas marami nang bakuna sa bansa at marami na ring nababakunahan kada araw na umaabot na sa 350,000 per day.

Ani Roque target ng pamahalaan na itaas pa ito sa 500,000 kada araw ang mababakunahan.

Batay sa naging ulat ng UK think-tank, karamihan sa mga bansa sa Asya ay makakamit ang herd immunity sa susunod na taon maliban ang Pilipinas at Vietnam. (Faith Dela Cruz) 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *