Malakanyang iniutos sa PNP at NBI ang masusing imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero
Ipinag-utos ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa concerned government agencies na imbestigahan ang pagkawala ng mahigit 30 sabungero.
Sa memorandum, inatasan ni Medialdea ang Philippine National Police (PNP) at ang National Bureau of Investigation (NBI) na siyasatin ang pagkawala ng mga sabungero at isumite ang kanilang findings sa Office of the President at sa Department of Justice sa loob ng tatlumpung araw.
Inatasan din ni Medialdea ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na imbestigahan ang anumang paglabag sa e-Sabong licensees at tiyakin ang kanilang pagtalima sa security at surveillance requirements.
Sa naunang hearing sa senado, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ang common denominator sa pagkawala ng 31 sabungero ay kawalan ng CCTV videos. (Infinite Radio Calbayog)