Mahigit P45M na halaga ng tanim na marijuana winasak sa Benguet

Mahigit P45M na halaga ng tanim na marijuana winasak sa Benguet

Aabot sa P45,915,000 na halaga ng pananim na marijuana ang winasak ng Philippine National Police sa magkahiwalay na operasyon sa Benguet.

Ayon kay PNP chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar, isinagawa ang pagwasak sa dalawang plantasyon Palwa, Sagpat, Kibungan, Benguet.

Umabot aniya sa 7,000 piraso ng fully Grown Marijuana Plants (FGJMP) ang winasak sa 1,000 square meters na taniman na aabot sa P1.4 million ang halaga.

Habang sa ikalawang site ay 5,950 na piraso ng fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) ang winasak mula sa 850 square meters na taniman na aabot naman sa P1.1 million ang halaga.

Mayroon ding natuklasan na 12 sako ng tuyong dahon ng marijuana 300 metro ang layo mula sa plantasyon na ang kabuuang halaga ay mahigit P43.3 million.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *