Mahigit P23M halaga ng ecastacy na idineklarang kape at laruan, nadiskubre sa isang warehouse sa Pasay City.
Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchange Center warehouse sa Pasay City ang libo-libong tabletas ng ectasy.
Pitung pakete na naglalaman ng kabuuang 13, 824 na tabletas ng ectasy ang nadiskubre ng BOC sa naturang warehouse na tinatayang nagkakahalaga ng P23.5-Million.
Galing umano ang shipment mula sa Netherlands at Belgium na idineklarang ibat-iibang uri ng kape at mga laruang ng bata.
Magkakaiba rin ang consignees ng naturang mga parcels.
Nadikubre ang mga ecstacy dahil sa kaduda-dudang timbang ng mga ito gamit ang modus operandi na pag-smuggle ng iligal na droga sa pamamagitan ng “coffee beans”
Sa physical examination, tumambad sa mga tuhan ng customs ang ibat-ibang kular ng party drugs o mga ecstasy na ibinalot na parang mga kape.
Nai-turnover na sa PDEA ang naturang mga kontrabando para sa profiling at case build-up at paghahain ng kaso sa mga nasa likod ng naturang shipment.
Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/newsflashwebsite