Mahigit P180M na smuggled products nakumpiska ng BOC sa Port of Cebu
Sa gitna ng pandemic dulot ng corona virus disease o covid 19 ay tuloy pa rin ang malalang smuggling sa iba’t ibang pantalan na saklaw ng Bureau of Customs o BOC.
Sa pinakahuling data ng BOC mula sa Port of Cebu, ₱184-M na mga produkto ang nasabat ng na pawang undeclared, misdeclared, and undervalued shipments nitong Setyembre 2020 gaya ng sigarilyo, used clothes o ukay-ukay at mga plastic boats.
Ayon kay Port of Cebu District Collector Charlito Martin R. Mendoza, mas mataas ito ng
₱36-M kumpara sa mga nasamsam na produkto noong June at July ngayong taon.
Sabi ni Mendoza, ang pagtaas sa bilang ng mga nasusukol na smuggling goods ay resulta ng maayos o efficient na anti-smuggling campaign sa pamamagitan ng maayos na coordination, intelligence at ng x-ray technology.
Inaasahan na rin aniya aniya ang pagdagsa ng mga palusot na produkto lalo na at malapit na ang holiday season ngunit babala ni Mendoza sa mga importer na sundin ang batas dahil hindi sila makalulusot lalo na ngayong panahon ng pandemic at puspusan ang pagbabantay ng bureau.