Mahigit 9,000 COVID-19 vaccines para sa Bohol at Negros Oriental dumating na
Dumating na ang mga bakuna kontra COVID-19 para sa mga healthcare worker sa Bohol at Negros Oriental.
Kabuuang 9,640 doses ng Sinovac vaccines ang dumating Biyernes (March 5) ng umaga.
Ang Governor Celestino Gallares Memorial Hospital (GCGMH) sa Tagbilaran City, Bohol ay nakatatanggap ng 8,440 doses, habang ang Silliman University Medical Center Foundation, Inc. sa Dumaguete, Negros Oriental ay mayroong 1,200 doses.
Mula Mactan Cebu International Airport, agad dinala ang mga bakuna sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) Cold Room para sa sorting bago i-deliver sa Bohol at Negros Oriental.
Inasikaso naman ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) ang barko na magbibiyahe sa mga bakuna katuwang ang PNP Maritime Group-Regional Maritime Group 7 at Philippine Navy.