Mahigit 800,000 doses ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang dagdag na suplay ng mga bakuna kontra COVID-19 na donasyon ng pamahalaan ng Germany.
844,800 doses ng AstraZeneca vaccine ang dumating sa NAIA Terminal 3, Biyernes (October 15) ng hapon galing sa Covax Facility.
Ayon sa World Health Organization – Philippines bahagi ang mga ito ng mahigit 1.6 million doses ng COVID-19 vaccines na ibibigay ng Germany sa Pilipinas.
Ang mga bakuna ay sinalubong nina vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., at WHO Philippines Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe at iba pang mga opisyal mula sa DOH at UNICEF Philipines.
Ayon kay Abeyasinghe may mga rehiyon pa rin sa Pilipinas na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ang mga nasabing rehiyon aniya ay mayroong mababang vaccination coverage.
Dahil dito hinimok ni Abeyasinghe ang pamahalaan na madaliin ang pagbabakuna sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19. (DDC)