Mahigit 80,000 indbidwal naisailalim sa libreng mass swab testing sa Maynila

Mahigit 80,000 indbidwal naisailalim sa libreng mass swab testing sa Maynila

Umabot na sa 80,531 na mga indibidwal ang naisailalim sa libreng mass swab testing ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Regular din ang pagsasagawa ng home swabbing sa iba’t ibang mga barangay sa lungsod bukod pa sa regular swab testing para sa lahat na idinaraos sa Quirino Grandstand, Delpan Quarantine Facility at Sta. Ana Hospital.

Kaugnay nito, tuluy-tuloy din ang swab testing para sa mga public utility drivers, mall workers, hotel employees at market vendors sa lungsod.

Ang libreng mass swab testing ay pinangangasiwaan ng mga kawani ng Manila Health Department at ng anim na district hospitals ng lungsod.

Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, layunin ng libreng mass swab testing na mabigyan ng kapanatagan ang mga mamamayan at matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa banta ng COVID-19.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *