Mahigit 67,000 nakapagparehistro na para sa COVID-19 Vaccination Program sa Maynila
Umabot na sa mahigit 67,000 na mga Manileno ang nagparehistro para sa COVID-19 Vaccination Program ng pamahalaang lungsod.
Hanggang alas 8:30 ng umaga, nasa 67,340 na mga residente ang nag-pre-register sa www.manilacovid19vaccine.com, na website para sa naturang programa ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Kapag binisita ang website, mayroong video na magtuturo kung paano magparehistro.
Maari ding i-click na lamang ang register o reserve para makita ang application form.
Bukas ang pre-registration sa mga Manileno na nais na makatanggap ng libreng COVID-19 vaccine sakaling dumating na ang suplay nito.
Magugunitang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang mga residente na lumagda sa pre-registration para sa COVID-19 vaccine ang sunod na magiging prayoridad ng lsa pagbabakuna.