Mahigit 600 pang frontliner sa San Juan babakunahan kontra COVID-19
Aabot sa 629 medical frontliners ang babakunahan kontra COVID-19 sa San Juan.
Ito ay sa ginaganap na ikatlong vaccination rollout sa San Juan na ginanap sa San Juan Arena
Sa una at ikalawang vaccination rollout ay umabot na sa 2,097 ang bilang ng mga medical frontliner na nabakunahan gamit ang Sinovac at AstraZeneca.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zambora, sa sandaling matapos na mabakunahan ang pagbabakuna sa medical frontliners ay susunod namang babakunahan ang mga senior citizen sa lungsod.
Sa katapusan ng buwan ng Marso ay mayroong parating pang panibagong suplay ng bakuna sa lungsod.
Sa vaccine registration ng San Juan LGU, umabot na sa 35,777 ang nagtala na residente na nais magpabakuna.
Ito ay katumbas ng 42 percent ng mga residente ng lungsod.