Mahigit 60 kilo ng lamb meat at karne ng baka nakumpiska ng Customs sa NAIA noong Enero

Mahigit 60 kilo ng lamb meat at karne ng baka nakumpiska ng Customs sa NAIA noong Enero

Umabot sa mahigit 60 kilo ng karne na walang clearance ang nakumpiska ng Bureau of Customs noong nakalipas na buwan ng 2021.

Ayon sa BOC-NAIA nakumpiska ang 18 kilos ng lamb meat at 42.2 kilos ng beef mula sa tatlong pasahero galing USA at Saudi Arabia sa Arrival Area ng Terminal 1 at 2 ng Ninoy Aquino International Airport.

Simula noong January 2019 hanggang December 2020, katuwang ang Bureau of Animal Industry at Bureau of Customs-NAIA umabot sa 40,000 kilos ng imported meat at meat products na walang Sanitary and Phytosanitary (SPS) clearance ang nakumpiska ng BOC.

Bahagi ito ng kampanya ng ahensya na maiwasan ang paglaganap sa bansa ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Bureau of Customs NAIA District Collector Carmelita M. Talusan, patuloy na maghihigpit ang ahensya sa mga imported na meat at meat products sa pamamagitan ng pinaigting na targeted profiling, X-ray scanning at physical examination.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *