Mahigit 51.6 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Mahigit 51.6 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa mahigit 51.6 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 111,908,830 ang total vaccine administered sa bansa.

Sa nasabing bilang, 57,446,651 ang nabakunahan na ng first dose at 47,534,540 ang nabigyan ng second dose.

Habang mayroong 4,121,109 na tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.

Sa kabuuan ayon sa datos, 51,655,649 na ang fully-vaccinated.

Umabot naman na sa 2,806,803 na katao ang nabigyan na ng booster doses ng COVID-19 vaccine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *