Mahigit 50,000 katao naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Auring

Mahigit 50,000 katao naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Auring

Umabot sa mahigit 13,000 pamilya o katumabs ng mahigit 53,000 katao ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Auring sa Regions X, XI at Caraga.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, sa nasabing bilang 12,825 na pamilya o 49,236 na katao ang nasa mga evacuation centers.

Mayroon namang 450 na pamilya o 1,720 na katao ang pansamantalang nanuluyan sa kanilang kaanak.

Ayon sa NDRRMC, nakapagtala din ng minor landslide sa Bontoc, Leyte.

Habang limang kalsada at isang tulay ang iniulat na hindi madaanan sa Regions VIII, XI at Caraga.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *