Mahigit 5,000 mobile phones na nakumpiska ng BOC ibinigay sa DepEd
Ipinagkaloob ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Education (DepEd) bilang donasyon ang libu-libong mobile phones na nakumpiska nito.
Ito ay para makatulong sa sa pagpapairal ng online learning program.
Isinagawa ang turn-over ng mga gadgets sa Bureau of Customs Situation Room sa Maynila na dinluhan nina Department of Finance Secretary Carlos G. Dominguez, Department of Education Secretary Leonor M. Briones at Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.
Kabuuang 5,040 devices ang ibinigay sa DepEd na kinabibilangan ng Oppo A9 at A31 mobile phones gayundin ang Huawei Mate mobile devices.
Ang naturang mga gadget ay bahagi ng mga nakumpiska ng Customs sa Port of Clark. (D. Cargullo)